About Me

My photo
Because I am blessed, I am blessing the world in Jesus' name...

Thursday, November 15, 2007

Kawawa ka naman... ikaw kasi e!


Umagang-umaga nagpi-friendster ka. Me hinihintay ka bang "new friend request"? O baka naman message ang hinihintay mo? Di naman kaya umaasa kang titingnan nya ang profile mo, kaya panay ang tingin mo sa "who's viewed me"? Asa ka pa!

Teka, bakit mo ba sya hinihintay? Me usapan ba kayo? Nagkita ba kayo lately tapos sinabihan mo syang i-invite ka nya sa friendster? Hindi naman di ba? In fact, hindi ka nga sigurado kung naaalala ka pa nya, o kung masaya ba sya pag naaalala ka nya.

Wala ka ng choice, at naiinip ka na rin. So this is it. Feeling mo kailangan mo gawin to. Nagdadalawang-isip ka pa kc makikita ka nya sa "who's viewed me". Kunwari ka pa! Gusto mo naman e. Gusto mong magparamdam. Gusto mong malaman nya na buhay ka pa.

Hinanap mo sya... pero hindi mo makita. Asan na kaya sya? Naku... baka simula nung nawala ka hindi na rin sya nag-friendster. GANUN? So importante ka pa rin sa kanya? E bakit wala na sya?

Next step. Tiningnan mo ang friendster ng mga kaibigan nya. Sa wakas, me napala ka rin... un nga lang.

Kawawa ka naman... Sa picture mo na lang sya nakikita ngayon, at kailangan mo makuntento dahil wala ng ibang paraan. Buti na lang pwede ng maraming pictures sa friendster ngayon... at buti na lang kahit paano e naeextra sya sa mga pictures ng barkada nya.

Kawawa ka naman... hanggang tingin ka na lang. Samantalang dati ang lapit nya. Feeling mo naman ganun ka kaganda para hindi nya magawang iwan ka. Asan ka ngayon?

Kawawa ka naman... tinitingnan mo syang nakangiti kasama ng ibang tao. Ang saya-saya. Ganyan din sya ngumiti noon pag kasama ka nya.

Kawawa ka naman... dati kahit anong oras mo sya kailanganin hindi ka nagdadalawang-salita. Ngayon nagtyatyaga kang i-save lahat ng pictures nya para lang kahit paano makita mo sya lagi.


Kawawa ka naman... dati kasa-kasama mo sya. Pakiramdam mo me mali sa mga pictures na tinitingnan mo. Parang dapat ikaw ang katabi nya. Ginawan mo ngayon ng paraan... itinabi mo ung picture mo sa picture nyang dinekwat mo sa friendster.

Eew! Dapat ka na bang tawaging desperada? Hindi naman siguro. Baka mas dapat kang tawaging TANGA!

Baket?

Ikaw kasi e... Minahal ka nya. Sabi nya he never knew about love till he found you. Alam mong totoo un dahil ikaw ang unang minahal nya... pero ikaw rin ang unang nanakit sa kanya.

Ikaw kasi e... Sumuko ka. Isang away-bata lang sumuko ka na agad. Sabagay, bata pa kayo nun. Pero alam mong pwede mo pang bawiin nung nakita mo syang umiiyak at humihingi ng tawad. Pero matigas ang ulo mo.

Ikaw kasi e... Mainipin ka. Minadali mo ang lahat. Minadali mong tuparin nya ung pangako nyang magiging kayo ulet. At nung di ka makahintay, humanap ka ng iba. Me nahanap ka ba? Siguro meron... marami. Ang tanong: meron bang kahit isang pumalit sa kanya? Aba ewan ko! Basta ang alam ko hanggang ngayon hindi ka pa rin masaya.

Ikaw kasi e... Hindi ka nagtiwala. Ilang beses syang lumapit sa 'yo. Lagi syang nasa tabi mo, naghihintay na sya naman ang mapansin mo. Ready na sya e. Pero hindi mo sya tinanggap dahil natatakot kang ikaw naman ang iwan nya. Ang tanga mo! Tingin mo magtyatyaga sya ng ganun katagal para lang lokohin ka. Tsk, tsk, tsk... illogical.

Ikaw kasi e...

Yan tuloy, sumuko sya. Napagod sya. Humanap sya ng iba. Malas mo, nakakita sya.

Pero hindi pa rin un e. Alam mong me pag-asa pa, pero dahil lang nasaktan ka nung nalaman mong me nakita na sya, lumayo ka ulet. Pagmamahal? Pagpaparaya? NO! Pride ang tawag jan. Alam mo namang ikaw pa rin ang pipiliin nya, hindi ka man lang lumaban at naghintay. Lumayo ka dahil pakiramdam mo niloko ka nya. Paano naman ung ilang taong pinaasa mo sya?

Huli na nung ma-realize mo... last chance na pala ung pinalampas mo.

Ngayon wala na sya. Hindi mo alam kung paano sya hahanapin. Di mo rin alam kung hinihintay ka nya. Hindi mo matanggap na posibleng me iba na talaga sya. Pero kailangan mo tanggapin... the same way na tinanggap nya ng maraming beses na me iba ka na.

Ngayon naiiyak ka. Di mo rin kasi matanggap na totoo lahat ng sinasabi ko. Pero pinipigil mo pa rin ang luha mo, kasi hindi mo sigurado kung me karapatan kang umiyak. Ikaw ang me gusto nito. Bakit ka iiyak?

Sabi nila masakit daw magpakatanga sa taong mahal na mahal mo pero hindi ka naman mahal. Pero sa nakikita ko, mas masakit ata ung minahal ka nung tao, pero naging tanga ka at pinabayaan mo sya. Paano ko nasabi? E nagkakaganyan ka e!

Kawawa ka naman... Ikaw kasi e!

No comments: