About Me

My photo
Because I am blessed, I am blessing the world in Jesus' name...

Tuesday, June 9, 2009

Mga Lola Sa Jeep


(lifted from my FB notes, dated April 17, 2009)

Kanina sa tapat ng UST, sumakay ako ng jeep pauwe sa amin. Me 2 pasahero, isa sa unahan, lalaki, mga 20 years old siguro. Hindi sya cute. Char! Tungkol sa kanya ung kwento pero hindi sya ang bida. Ung isa pang pasahero na tatawagin nateng si Lola#1.. sya ang bonggang bonggang tauhan. Uunahan ko na kayo ha. Walang sense ang kwentong 'to, natawa lang talaga ako.

Di ko naman intensyong panoorin si Lola#1. Me sarili akong mundo sa jeep, at music lang ng cellphone ko ang naririnig ko. Nagsimula lang 'to sa me Ramon Magsaysay, nung me sumakay na manong na me dalang box. Nasa me pinto ako, tapos si Lola#1 malapit sa driver. Nung magbabayad na si Manong, umasa syang aabutin ni Lola#1 ung bayad nya. Pero ang malditang Lola, tinitigan lang ng masama ung pera. 1 minuto ata bago nakaramdam si Manong na ayaw ni Lola#1 sa gusto nya mangyari. So may-I-move-forward si Manong at sya na ung nag-abot ng bayad. Panalo si Lola#1!

Parang ako lang... Pag wala ako sa mood, kunwari wala akong naririnig pag me nagpapaabot ng bayad. Hehe...

Tapos na ang kwento ni Lola#1 with Manong. Bumaba na si Manong paglampas ng Vicente Cruz.

Syang sakay naman ni Lola#2. Ayan! Kaya me Lola#1 kc me Lola#2. Wala rin syang kamalay-malay na tatarayan sya ni Lola#1. Sya kc e!

Ganito...

Si not-cute-boy na nasa unahan, nagtanong kay manong driver. Di ko naman narinig ung tanong. Ang narinig ko ung biglang nagsalita si Lola#2. Lakas ng boses e.

"Lampas na yun. Ang layo mo na. Bumaba ka at tumawid ka sa kabila. Sa Forbes, andun ung mga jeep papuntang Tayuman. Mapapalayo ka pa kung sa rotonda ka bababa kaya ngayon ka na bumaba."

Me point. Sumunod si lalaki. "Tumawid ka!" follow-up bilin ni Lola#2 nung nakababa na si Kuya.

Medyo hyper pala si Lola#2. Me mga bilin pa sa masang Pilipino. "Pag hindi mo alam ang daan, magtanong ka sa driver. Hindi naman lahat maaalala ng driver kung saan bababa. Ikaw yung may alam na hindi mo alam ung daan, ikaw ang magtanong. Ang hindi nagtatanong ay tanga." Take note: mag-isang sumakay si Lola#2. Wala syang kasama. Wala syang kausap.

Nagising ang katarayan ni Lola#1. Hinarap si Lola#2.

"Ikaw, tanga ka ba? Nagtatanong ka naman ano? E di hindi ka pala tanga", sabi ni Lola#1. Nagulat ako sa bonggang bonggang statement nya, at sa isip ko humahalakhak na ako. Off muna ang music. Exciting 'to.

"Oo, nagtatanong ako. Noong bago ako dito sa Maynila nagtatanong ako", sagot ni Lola#2. Feeling ko di pa nya gets na binara sya ni Lola#1.

"Tagasaan ka ba? Bago ka rin pala sa Maynila e. Mabuti naman at hindi ka pala tanga", hirit ni Lola#1. Feeling ko medyo nakaramdam na si Lola#2 kaya ang sagot nya ay...

"Leyte. Bisaya. Waray. Matapang."

"Nakakatakot ka pala", sagot ni Lola#1.

"Teacher ako", sabi ni Lola#2, at hindi ko alam kung anung koneksyon nun sa pagiging nakakatakot. Meron ba?

"Me increase daw kayong P9,000 ah", kantyaw ni Lola#1.

"Meron. Ipinaglaban namin yun. Me party list na ang mga guro, para mapagtanggol ang karapatan namin. Pati government employees meron na rin sa susunod na eleksyon." Ngayon nangampanya na si Lola#2. Ang dami nyang sinabi na di ko na lahat matandaan. Basta tungkol sa party-list. Kahit ako nairita, pero mas nangibabaw ung feeling na natatawa... at naghihintay ng susunod na banat ni Lola#1.

Si Lolo Driver natatawa din, pero hindi sumasabat sa usapan. Young-at-heart ito, ayaw makiuso.

Di na rin siguro kinaya ni Lola#1. Isang lingon sabay sabi ng "Blowout! Balato" at tumalikod. Di na nya ulit pinansin si Lola#2 hanggang makababa. Akala ko pa naman magiging friends sila at magpapalitan ng cel number.

Andun pa rin si Lola#2 nung me sumakay pang 2 lola. Tapos na ang barahan nun. Naisip ko lang. Makikisali rin kaya sila kung naabutan nila ung comedy act?

O di ba walang sense? Natawa lang talaga ako. Sa tingin nyo, sino ang panalo at kanino ako mas naaliw? Hehehe...

No comments: