About Me

My photo
Because I am blessed, I am blessing the world in Jesus' name...

Saturday, March 28, 2009

Sleepless Nights and Mental Torture


Mas masaya kung Taglish.

First and only quiz. Steady lang. Shoot!

Midterm. Masaya naman ata lahat paglabas ng room. Result. Kagulat-gulat. Since then, lahat kame hindi na mapakali. Sari-saring manifestations, pero iisa ang realization... Maling akala.

After a week or so, magkakaiba na ang aura. Yung iba, tanggap na daw nila na uulet sila. Me iba naman na parang walang nangyari, tuloy ang buhay. Meron namang iba na pagpatak ng 1pm, nakasubsob na sa gray na codal at hindi mo alam kung humihinga pa. Saan ka dun, classmate?

Ako? Dun ata ako sa pangalawa... on the outside. Sa loob ko, hindi ako mapakali. For like three weeks, umiiyak ako. Tinalo nito lahat ng sakit na naramdaman ko sa lahat ng break-ups na dinanas ko. Ang break-up kasi pwede mo isumbat sa ex mong walang kwenta. Pwede mo ring sabihin sa sarili mo na makakahanap ka rin ng iba. Pero ito? Ang hirap tanggapin na posible pala. Hindi pala laging masaya. It's not always a sunny day, sabi ko nga. Hindi pala laging ako.

Nag-devise ako ng isang napakaganda at bonggang bonggang plan para sa finals. Pero hindi ko kayang kontrolin ang mundo. Ang trabaho ay trabaho. Hindi titigil ang paggulong ng pera at pag-usad ng ekonomiya dahil malapit na ang finals ko. Madalas pa nga, napapasobra naman ata ang ekonomiyang yan. Anung petsa na, nasa office pa tayo? Mahirap talaga maging working student, lalo na kung hindi ka lang basta nangangarap "makalusot". Kulang pala ung line sa Spiderman na "with great power comes great responsibility". Me kasunod pala ito. "With great responsibility comes great risks." Nariyang magkasakit, pumasok ng walang alam at matuto ng kung anu-anung dasal wag lang matawag sa recit, at me bonggang collapse moment pa sa MRT. 

Sa bagay na yan, sari-sari din ang opinyon. Merong nagsasabing "Ganyan talaga. Tiis." Meron din namang nagsasabing "Sino naman ang me sabi sa 'yong magtrabaho ka?" Mas nakakainis pakinggan yung una, pero mas nilalabanan ko yung pangalawa. Sayang kasi.

Balik tayo sa plano ko. Hindi natupad ang timetable ko. Kung jowa ko ang mga libro at reviewers ko, malamang inisplitan na nila ako dahil wala akong time sa kanila. But still, God is good. Kahit paano nagkaroon ako ng 3 days para mag-review.

Aral. Aral. Aral. Facebook. YM. Aral. Aral. Facebook. YM. Aral. Aral. Aral.

Aba syempre kelangan ko rin naman ng pahinga para sa utak kong pagod na pagod na. Otherwise, baka sumabog ito at hindi ko na naman alam kung saan ko pupulutin lahat ng kalat pag nangyari yun.

Yung mga facebook friends and supporters ko, nagsawa na lang kaka-goodluck sa akin.

Friday, 1pm. Ayan na, ang makasaysayang text message ni Doris... "In 24 hours". Natoxic ako for like an hour or so. Pero ang pasaway kong kukote biglang me nakitang ibang angle. Hmm... 24 hours PA pala. Hala! Tuluyan na akong nilamon ng katamaran.

Facebook. Facebook. YM. Tulog. Aral. Facebook. Facebook. Aral.

10pm. Simula na ng countdown. Isinantabi ko ang laptop ko. Pero naka-online pa rin ako sa mobile. Hehe...

12pm. Low batt na sa wakas ang phone ko, at hindi talaga ako nag-charge para walang temptation.

2am. Hindi na kaya ng powers ko. Hello bed!

6am. Pagbangon ko pa lang, kinanta na ng utak at puso ko ang...

"This is the moment, my final test. Destiny beckoned, I never reckoned second best..."

"I believe in the impossible, if I reach deep within my heart. Overcome any obstacle, won't let this dream just fall apart. You see I strive to be the very best, share my life for all to see. Coz anything is possible... When you believe..."

AMEN!

After breakfast, uminom pa ako ng SlimFit na nabili ko last week sa 7-11. Symbolic ang pag-inom ko nyan. It's like telling myself to smile dahil malapit na ang summer. I have to be lean and sexy. Ayun un e! Anu't ano man ang mangyari, dapat pretty-prettyhan pa rin. Pero sana naging potion na lang un, tipong pag ininom ko yun e mamememorize ko lahat from Rules 1-72. Kung yan lang ba ang usapan, e kahit malasing ako walang problema! Kampay!

While dressing up, nagawa ko pang kumanta at sumayaw. Naisip ko tuloy, kung nag-artista kaya ako? Mas me time kaya ako mag-aral? Haha! Parang me kamatis na tumilapon sa sahig. Tinigilan ko na. Tapos ang last song e "Fallin". Nag-freak out tuloy ako. Anu ibig sabihin nito? Babagsak ako? Hindi pwede. So nag-extend pa ako for another song, pampawala ng signos. "You should know by now". Aba talagang nananadya no? Oo na, nagbasa naman ako.

On my way to school, na-traffic ako. Pero bawal uminit ang ulo. Bawal masira ang araw. Hinga ng malalim. Ok lang yan.

Pagdating sa school, wala naman akong makausap so aral-aralan na lang. Nakakatoxic! Hanggang sa dumating na si Doris. Nakahanap ako ng karamay. DALDAL! HALA! DALDAL PA!

Ayan na! 3pm dumating si Sir. 38 students pala kame, nabasa ko sa bundle ng test booklets. 38 plus si Sir... 39. Rule 39 - EXECUTION! Ganyang ganyan ang pakiramdam namen.

Hindi ko na sasabihin kung anung klaseng exam ito dahil baka magmukhang samplex pa 'tong blog ko at masyado akong sumikat. Basta nakakagulat! Hindi ko masabing mahirap dahil hindi kinailangan ng memorization. Pero na-test talaga ang over-all knowledge namin. Ang problema e kung me knowledge nga ba na iti-test. Basta ang alam ko, sinulat ko lahat ng maisip ko. Bahala na.

Paglabas ko ng room, baon ko ang alaala nina Rizalina, Julieta, Gloria at JNS Corporation. Yung mga classmates kong tapos na mag-test, mga nakangiti naman. Hindi ko alam kung anu iniisip nila, at lalong di ko alam kung ano ang sagot nila. Pero me common sa mga pagmumukha nameng lahat. Sense of relief. Tapos na. Sana pumasa ako. Sana pumasa kaming lahat, para masabi na talaga namen with finality... TAPOS NA.

God bless us all!

Epal footnote:

Despite the sleepless nights and mental torture, I learned to love this subject so much. Favorite subject ko na ito. Pero love ko pa rin ang Persons... at alam ko na ang reaction nina Doris at Jhack dito. "Eds, ung pagkagusto mo naman sa Persons e me halong ibang pagmamahal." Haha! Well... ayun nga. I love Civ Pro! Pero wag na tayo magkita ulet ha. "When you love someone, set her free." Hehehe...

Don't worry, Jhack. This subject is worth all the risks. You'll get to love it as much as we do.

No comments: