About Me

My photo
Because I am blessed, I am blessing the world in Jesus' name...

Sunday, February 6, 2011

Dating and Eavesdropping

(3 babae, nag-uusap sa CR habang nagre-retouch ako. Medyo ni-rephrase ko na kasi di ko na matandaan ung sakto. Sorry naman, walang recorder. =p)

B1: Saan ba ang lakad mo?

B2: Me imi-meet ako.

B1: Sino?

B3: Date?

B2: Friend ko, pero ung isa me gusto daw sa 'kin.

(Haba ng hair mo 'te!)

B1: Paalis ka na? Sabay na ako.

B2: Oo, pero 6pm pa kami magkikita.

B1: Ay, wag ka muna pumunta. Dating 101: bawal mauna ang babae.

B2: Mall muna ako. At saka hindi date yun. Walang malisya yun. Kakain lang kami.

B3: E paano magkakaroon ng malisya kung me kasama kayong iba? Diskartehan mo. Magkunwari kang me lakad na marami kayo tapos in-indian ka ng iba nyong kasama. Tapos umarte kang gustong gusto mo pa naman manood ng sine at kumain. Pag kayong dalawa na lang, magkaka-malisya yun. Magiging boyfriend mo yun.

HAHAHAHAHAHA!!!!!

No comments: